Paalala lamang po, lahat nang makikita ninyo ritong profile ay sadyang nanggaling sa Friendster. Binura ko ang kanilang pangalan upang protektahan ang kanilang pagkakakilanlan.
Ang nasabing proyektong ito ay ginawa upang itaguyod ang kagandahan ng mga Filipina at para hindi sila ibenta. Kung ano man ang nag-udyok sa akin para gawin ito ay hindi libog kundi isang passion. Kung may mga kakilala kayong nais ninyo maging bahagi ng munting pitak (naks) na ito, maari po kayong mag-iwan ng comments.
Thank you so much!
There will be no apologies this time. Lagi-lagi na lang nahuhuli ang paskil ko rito dahil sa maraming bagay. At heto na ang bago nating tsikas para sa linggong ito (o buwan na ito).
Sabihin na nating hayskul crush ko itong ilalagay ko rito — lady-like at talagang gorgeous, despite of this di siya nahilig na i-flaunt ang kaniyang kagandahan, palaging low-profile lang. Kaya nga luwa-mata ko nang makita ang tuluyan niyang pagganda, yung gandang beauty queen material.
Kasalukuyang Cebu based ang ating binibini at nagtratrabaho sa bilang receptionist doon. Doon din siya nagtapos ng BS HRM, at sigurado akong masarap siyang magluto, yung tipong di mo makakalimutan yung mga putahe na handa niyang ihandog. Kung hindi nagluluto, nakikinig siya sa mga musikang RnB tulad ng ilang tipikal na mga babae; pero may soft heart siya sa mga ballads at love song kaya mainam na haranahin siya, wag lang ‘Matud Nila’ o ‘Usahay’.
At sabi niya sa kanyang ‘About Me’ - I don’t want to live. I want to love first, and live incidentally. Sinong hindi mapapaibig sa kaniyang pagiging romantiko. Lumalambot tuloy ang puso ko.
Balak ko talagang magtampok ng ilang local beauties ng mga Masbate kaya sa mga susunod na post malamang may makikita kayong magagandang dilag mula sa probinsya namin. Mabuhay ang mga beautiful Masbatena!