Paalala lamang po, lahat nang makikita ninyo ritong profile ay sadyang nanggaling sa Friendster. Binura ko ang kanilang pangalan upang protektahan ang kanilang pagkakakilanlan.
Ang nasabing proyektong ito ay ginawa upang itaguyod ang kagandahan ng mga Filipina at para hindi sila ibenta. Kung ano man ang nag-udyok sa akin para gawin ito ay hindi libog kundi isang passion. Kung may mga kakilala kayong nais ninyo maging bahagi ng munting pitak (naks) na ito, maari po kayong mag-iwan ng comments.
Thank you so much!
Humihingi ako ng paumanhin sa mga suki at madalas umaantabay ng sayt na ito. Medyo nagkaroon tayo ng aberya dahil halos kalahati sa mga iniistalk ko ang biglang nag-Restrict ng kani-kanilang profiles kaya nabanas ako at tinopak. Medyo OC ako, at kapag nasira ang plano, hayun aberya ang kalalabasan.
Enough na sa mga apologies, narito tayo para magtanghal ng mga Friendster Beauties. Hindi ko alam kung coincidence, pero ang pamilya ng ating Friendster Babe ay may-ari ng isang poultry farm from down south. At heto, ang ating Friendster Babe na self-proclaimed Farm Girl:
Pero huwag mong mamaliitin ang kaniyang self-proclamation dahil isa siyang certified Karate afficionado. Kaya yung mga loko-loko diyan, mag-ingat kayo. Iniisip ko rin na kung sumali siya sa mga beauty contest sa kanilang lungsod, marahil ang kaniyang talent sa talent portion ay kata in the tune of Eye of the Tiger. At mukhang tumpak ang hula ko dahil isa siyang big-fan ng Rocky series ni Sylvester Stallone, kasama ang ilang mga pelikulang tulad ng The Legend of the Falls, A Walk in the Clouds, Y Tu Mama Tabien, at The Devil Wears Prada.
Maliban sa pagiging farm girl ay mahilig din siya sa mga 80s stuffs, tipong mga retro. Yung hairstyle, fashion, disco, at ice cream. Dahil nga mahilig siya sa mga 80s, nakahiligan din niya ang mga New Wave na mga kanta kasama ang Bossa Nova ni Astrud Gilberto (sa Portoguese, ang New Wave ay Bossa Nova). At siguradong headbang na headbang to kapag makarinig ng mga Depeche Mode, Psychedelic Furs, The Cure, at New Order.
Isa sa paborito kong inumin ay rootbeer, may pagka-80s feel yung inumin na ito lalo na kapag A&W (na wala na ngayon sa Pinas) at Mugs ang iniinom. Isa sa paborito at pinagkakainteresan niya ay yung rootbeer, lalo na siguro kapag ginawa itong float. Yum-yum.
At tulad ng paborito niyang ice cream:
I'll stop the world and melt with you
You've seen the difference and
It's getting better all the time
There's nothing you and I won't do
I'll stop the world and melt with you- I Melt With You by Modern English
Farm girl? Probinsyana ba siya sir? Ayos, ika nga ni Bamboo, pahirapan, pero, pag napaoo mo… Hehehe…what?!
Marunong pala siya magkarate? Ayos, kung sakali, may bodyguard pa ako pag papasok ako bwahahahaha!!!
Posted by Duroy at November 28, 2007, 6:36 amdi naman drei si bamboo ang nagsabi nun, yung bandang Anak Bayan.
hehehehe! marunong yan mangarate sir. member ng Karate Fed. saka grad ng XU — xavier university, isa sa mga leading university sa mindanao.
tara ninong, sabay-sabay tayong mag-ice cream. basta libre mo.
Awwww, ang saya-sayang kasama niyan. Maka-80’s pala siya eh.
Mukhang kaylangan kong maghalungkat ng mga 80’s na attire kung sakaling makikipag-kaibigan ako sa kanya.
Buti na lang at mura lang ang Sarsi Float.
Kaso lang Sarsi yun at hindi Mug.
Posted by tannix at November 30, 2007, 11:38 amhanapin na ang neon colored na damit at suotin.
YOSH! Hehe. Sulit ang paghihintay. Solb sir… Parang gusto ko mag-ice cream tuloy. n_n
Posted by ninong at November 27, 2007, 11:42 pm