Paalala lamang po, lahat nang makikita ninyo ritong profile ay sadyang nanggaling sa Friendster. Binura ko ang kanilang pangalan upang protektahan ang kanilang pagkakakilanlan.
Ang nasabing proyektong ito ay ginawa upang itaguyod ang kagandahan ng mga Filipina at para hindi sila ibenta. Kung ano man ang nag-udyok sa akin para gawin ito ay hindi libog kundi isang passion. Kung may mga kakilala kayong nais ninyo maging bahagi ng munting pitak (naks) na ito, maari po kayong mag-iwan ng comments.
Thank you so much!
Gusto kong humihingi ng paumanhin sa mga umaantabay sa segment na ito lalo na kay stalkermo.
Isa sa mga ipinangako kong i-fefeature sa blog na ito ay mga local beauties ng Masbate, at siyempre ang ating Friendster Babe of the Week ay brain and beauty — isa sa ipinagmamalaki ng aming humble province.
Hindi na kaila sa akin noong hayskul na lalaking isang magandang binibini ang ating Friendster Babe. Sa chinky eyes pa lang niya at slim na body, sadyang marami na talaga ang humanga sa kanya. Hindi ko pa isinama ang pagiging consistent honor student niya. Noong grumadweyt siya sa hayskul namin, ang twice Most Effective Secondary Public School in Bicol Region, ay nasa pagitan lang siya ng valedictorian hanggang 2nd honorable mention. Ipagpaumanhin na ninyo, at sadyang mas matanda lang ako nang ilang taon kaya di ko na maalala kung pang-ilan siya. Ang pagiging consistent honor student niya ang nagdala sa kanya sa UP Diliman para sa kursong Economics, kung saan halos karamihan daw ng beauty and brains ay nagsasama-sama. Pero wag kayong maintimidate sa kanya dahil napaka-down-to-earth niya. Sa katunayan mahilig siya sa mga romantic novels tulad ng A Walk To Remember at Message in a Bottle. Para sa kanyang pag-unwind nakikinig siya sa buong album ni Enya na Paint the Sky with Stars. Di ba ang taray?
Pero alam ninyo kung ano mas mataray sa kanya? Isang malaking risk nga na inilagay ko siya rito. Maliban na medyo may kalapitan ang bahay nila sa amin, ang pamilya nila ay isa sa pinakamalaking business family sa amin at mukhang kilala ng mga kaanak niya ang nanay ko. At alam ninyo kung ano ang pinakamalaking risk? Kasalukuyan siyang nag-aaral ng Abogasya sa UP Diliman. Baka bigyan ako nito ng asunto nang wala sa oras. Pero ako ang Friendster Stalker, at walang makakapigil sa akin.
Balak ko talagang magtampok ng ilang local beauties ng mga Masbate kaya sa mga susunod na post malamang may makikita kayong magagandang dilag mula sa probinsya namin. Mabuhay ang mga beautiful Masbatena!