Paalala lamang po, lahat nang makikita ninyo ritong profile ay sadyang nanggaling sa Friendster. Binura ko ang kanilang pangalan upang protektahan ang kanilang pagkakakilanlan.
Ang nasabing proyektong ito ay ginawa upang itaguyod ang kagandahan ng mga Filipina at para hindi sila ibenta. Kung ano man ang nag-udyok sa akin para gawin ito ay hindi libog kundi isang passion. Kung may mga kakilala kayong nais ninyo maging bahagi ng munting pitak (naks) na ito, maari po kayong mag-iwan ng comments.
Thank you so much!
Ang i-fefeature kong Friendster Babe ay isang Film and Audio Visual Communication student, isang movie buff, at isang certified cutie:
Anong maganda sa isang certified movie buff? Siyempre puwede kayong magkuwentuhan tungkol sa kahit anong pelikulang napanood ninyo. Puwede rin kayong magdiskusyunan kung sino ba ang magaling sa dalawang Steven, si Sodenberg ba o si Spielberg? Pero kung ganito kakyut ang kadiskusyunan mo, ay mahabaging langit, lagi na lang ako mapapa-Oo sa sasabihin niya. Sa favorite movie niya binanggit niya ang ilang classics, yun bang benchmarked na batayan kung ano ba talaga dapat ang isang pelikula. Paborito niya ang Andalusian Dog (short film ni Salvador Dali at isang ka-collab, sa youtube puwede ata itong mapanood, basta creepy yung eye-razor scene), Bicycle Thief (benchmarked para sa Italian neo-realism), at The Cabinet of Dr Caligari (na isang German Expressionism, mukhang nanood siya ng pagpapalabas nito sa German Silent Film Fest). May ilan din siyang paboritong pelikula na paborito ko rin tulad ng City of God (Cidade de Deus), Eternal Sunshine of the Spotless Mind, at Irreversible. Ibig bang sabihin nito compatible kami ng ating Babe of the Week?
Kung sakaling compatible kami, ihahandog ko sa kanya ang aking salin sa isang bahagi sa isa sa mga tula ng kaniyang paboritong makata, si Pablo Neruda (dahil ang ating Friendster Babe of the Week ay romantic to the bone, at kinikilig ako):
Soneto XI
(salin mula kay Pablo Neruda)
Tinatakam ako ng iyong bibig, ng iyong boses, ng iyong buhok.
Tahimik at gutom, ginalugad ko ang mga daan.
Hindi sapat ang tinapay, nambubulabog ang bukang-liwayway,
Buong araw, hinahanap ko ang iyong mga yapak.Ginugutom ako ng iyong halinghing,
Ang iyong kamay ay kulay ng mabangis na tag-ani,
Nagugutom sa iyong puting-batong kuko,
Nais kong kainin ang iyong balat na tila almond.Nais kong kainin ang silahis ng araw na nagpapapaliwanag
sa iyong katawan,
Ang soberanong ilong ng hambog mong mukha,
Nais kong kainin ang naglalayag na lilim ng iyong pilik-mata.At ako'y gutom na lilibot, sisinghutin ang takip-silim,
Hahanapin ka, para sa iyong mainit na puso,
tulad ng isang puma sa gulod ng Quitratue.- salin ni Friendster Stalker
may kaakibat kasing ‘intrigue’ ang salitang stalker. kung tutuusin, mahirap sabihin ng isang tao na stalker siya. maari nilang sabihin na tagahanga lang sila, pero di ang pagiging stalker.
di bolts and nuts yung compatibility. parang nasa iisa lang kaming FM station, Love Radio. nyahahaha!
Posted by friendsterstalker at October 8, 2007, 12:25 pmKaso sir, sayang ang kagandahan nya. Nakulimbat na siya. Sana lang hindi Pareng J.P. (Jack Pot) ang nakuha sa kanya hehehe >:)
Posted by Duroy at October 9, 2007, 10:06 amdrei, sabi nga ng lumang kasabihan ng mga lasenggo sa amin, ‘kapag ang manok nakatali, madaling hulihin. ang manok na pinakawalan, pagala-gala, naghahanap ng madadapuan’
sige, lagi akong dadaan diyan at baka makita ko siyang nakaupo dun=) hehe
Posted by komski kuno at November 25, 2007, 9:53 am
Talaga sir ha, bakit naman sa dinami-daming salita na pwede idugtong sa friendster (i.e. entusiast) eh bakit stalker pa ang napili mo? Nyahahaha!!!
Eto pa, yung catch phrase na “kung sakaling compatible kami” baka may double meaning yan, nyahahahaha!!!
Posted by Duroy at October 5, 2007, 7:36 pm