Noong unang lumabas ang Friendster, ginamit nila ang tagline na 'Kevin Bacon in six-degree separation'. Gamit ang nasabing social networking website, hindi ka na nalalayo sa mga hinahangaang celebs. Kaya nga noong lumabas ang Friendster, maraming celebs ang gumawa ng kani-kanilang account to the point even the fans started creating an account for their favorite celebs. Ginamit din ito ng Starstruck (unang labas ng Starstruck, unang putok din ng Friendster) at ng mga kandidato sa nakaraang eleksyon (sikat nga ang mga account ng mga senatoriables tulad ni Antonio Trillanes, at Chiz Escudero).
At sa isang interview niya sa Philippine Daily Inquirer, inamin ng isang maganda't paunti-unti nang nalalaos na artista na si Snooky Serna na may Friendster account siya. Oo, you heard it right si Snooky Serna, yung gumanap na nanay ni Teng sa Captain Barbel at naging biglang Angel Aquino (natsugi raw si Snooky sa show dahil sa palagiang pagka-late sa mga tapings, pumangit tuloy ang Captain Barbel), siya nga yun. Hindi mo pa rin maalala? Siya yung dating child star (oo nga naman, malaki na siya ngayon, pero di niya naka-love team si Nino Muhlach o kahit si Dranreb) na naging isa sa mga Regal Babies ni Mother Lily. Oo, yung angelic yung mukha. Yung gumanap na kapatid nila Maricel Soriano at Dina Bonnevie sa pelikulang Underage. Yung unang ipinareha kay Gabby Concepcion. Di mo talaga maalala? Siya yung dating asawa ni Ricardo Cepeda na madalas kontrabida sa mga pelikulang maaksyon, na matapos magkahiwalay ay nakipagrelasyon sa mas batang lalaki na nasa Blue Jean Junkies, yung bokalista noon.
Kung naalala mo siya, at kung minsan kang humanga sa kanya sa Underage, o kahit kiniliti nito ang libog mo sa portrayal niya bilang isang nene sa pelikula ni Joey Gosengfiao na muntik nang magahasa ng kanyang tiyuhin, aba ang suwerte mo naman at ibibigay ko sa kanya ang account niya. Puwede mo siyang i-message at sabihing 'Snooky, kaya mo yan. Lahat nang pagsubok malalagpasan mo.' o di kaya 'Snooky, papanoorin ko yung indie film na ginagawa mo.' o di kaya 'Snooky, kung si Dina nakapag-pose sa FHM, susuportahan kita kung gagawin mo iyon.'.
Masyado na akong matabil, o heto ang account niya <Snooky's Friendster Account>. Nagtatago pala siya sa pangalang Incandescent Angel. Ang poetic ano? Angelic face na unti-unting napupundi.
kung si snooky ay nalalaos ikaw naman ay hindi pa man sumisikat ay nalaos na.
Posted by gigi at January 8, 2008, 5:38 pm